^

Probinsiya

11-anyos pumalag sa rape ng 3 adik, pinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
11-anyos pumalag sa rape ng 3 adik, pinatay
Kinilala ni Patrolman John Paul Nash ang mga dinakip at kinasuhan ng murder at paglabag sa batas laban sa Child abuse sina Joverelyn San Pedro 32, Francisco Terado, 30; habang tugis naman ang nakatakas na si Rafael Gosila, 29-anyos.
The STAR/ File

PAMPANGA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 11-anyos na nene sa kamay ng tatlong sinasabing kilabot na mga adik sa droga matapos tangkaing halayin at patayin sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat.

Kinilala ni Patrolman John Paul Nash ang mga dinakip at kinasuhan ng murder at paglabag sa batas laban sa Child abuse sina Joverelyn San Pedro 32, Francisco Terado, 30; habang tugis naman ang nakatakas na si Rafael Gosila, 29-anyos.

Ang tatlo ay positibong kinilala ng isang saksi na nakitang lumabas mula sa isang abandonadong bahay kung saan natagpuan ang ginutay na bangkay ng kanilang biktimang itinago sa pangalang “Margie” noong gabi ng  Miyerkules.

Ayon kay Nash, tinangkang gahasain at napatay sa pananakal si Margie matapos itong manlaban at magsisigaw ng saklolo na nakatawag pansin sa mga kapitbahay.

Naunang kinaladkad ng tatlo ang biktima sa abandonadong bahay habang ba­ngag sa paghihithit ng shabu ani Nash na nagsabing, may narekober pa silang drug paraphernalia sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng medico legal, nabigong maisakatuparan ng tatlong suspek ang pagyurak sa puri ng biktima dahil hindi naman napunit ang pagka-birhen nito.

Sinasabing notoryus ang tatlo sa kanilang lugar sa Sitio Sto. Niño na kinatatakutan at malimit naghahanap ng sex kapag bangag.

Nabatid na si Gosila na umano’y nagplano sa pagdukot sa dalagita ay nahaharap din sa mga kasong pagtutulak at isa pang panggagahasa na nangyari noong 2014.

vuukle comment

PATROLMAN JOHN PAUL NASH

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with