^

Probinsiya

Baby todas sa boga ng ama

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Baby todas sa boga ng ama
Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang sanggol na si John Rey Uga; habang patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang tumakas na suspek na ama ng biktima na si Rudy Uga, magsasaka, 32-anyos.
The STAR/ File

SOUTH COTABATO, Philippines — Isang anim na buwang sanggol ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ng kanyang senglot na ama habang kalung-kalong ng ina sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Lamlahak, sa bayan ng Lake Sebu, noong Huwebes.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang sanggol na si John Rey Uga; habang patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang tumakas na suspek na ama ng biktima na si Rudy Uga, magsasaka, 32-anyos.

Ayon sa ina na si Shagi, umuwi umanong lasing ang kanyang mister pasado alas-4:00 ng hapon nitong Huwebes. Sinabi ni Shagi na habang nanonood sila ng telebis­yon kasama ang sanggol sa kapitbahay nang pauwiin umano sila ng mister. Nagulat na lamang ang misis nang makitang may hawak na baril ang kanyang mister.

Nakatutok umano ang baril ng mister sa lupa, ngunit sa kasamaang palad ay nakalabit nito ang gatilyo at tinamaan ng bala ng baril sa paa ang kanilang sanggol na noon ay kalung-kalong ng ina.

Agad namang humingi ng saklolo ang ina kung saan isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot

vuukle comment

PATAY

RUDY UGA

SOUTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with