^

Probinsiya

Kelot niratrat habang lumalaklak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kelot niratrat habang lumalaklak
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Adsquell Mohammad Parnan, 24-anyos, binata, at residente ng Brgy. Bagua Dos, sa naturang lungsod.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang lumalaklak sa loob ng isang videoke  bar sa Delcano St., Brgy. Heights 10, Cotabato City nitong Miyerkules ng gabi.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Adsquell  Mohammad Parnan, 24-anyos, binata, at residente ng Brgy. Bagua Dos, sa naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang bigla na lamang umanong lumapit ang isang lalaki sa biktima habang nasa loob ng videoke bar at pinagbabaril ito nang tatlong beses saka tumakbo palabas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima mula sa cal. 45 pistol at nadala pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Blangko pa sa ngayon ang mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

ADSQUELL MOHAMMAD PARNAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with