^

Probinsiya

SUV salpok sa trak: 1 dedo, 4 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
SUV salpok sa trak: 1 dedo, 4 sugatan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  -- Isa ang nasawi habang apat naman ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) sa na­ka­paradang truck sa gilid ng kalsada sa Boulevard Area, Brgy. Puro sa Legazpi City, Albay kahapon ng madaling araw.

Magkakasamang isi-nugod sa Bicol Regional Training Hospital ang mga biktimang sina Arlou Ayala Hardeniana, Amir Kedayon, Joemar Leron Gaveria, Arjay Leron Gaveria at John Paul Santos, pawang mga residente ng Brgy. Oro Site ngunit dead-on-arrival si Santos.

Sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw ay binabaybay ng Mitsubishi Expander (EAD-2824) ng mga biktima ang kalye nang mawalan sa kontrol at malakas na bumangga sa nakaparadang truck.

Sa lakas ng pagka­ka­bangga ay nawasak ang kaliwang bahagi ng SUV at walang malay na isinugod ang mga biktima sa ospital kung saan ideneklarang patay si Santos.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi pa malaman kung sino ang nagmamaneho sa sasakyan at mukha uma­nong nakainom ang mga biktima.

vuukle comment

BICOL REGIONAL TRAINING HOSPITAL

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with