^

Probinsiya

‘Rapist’ nanlaban, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Rapist� nanlaban, patay
Ang napatay na suspek ay si Justine De Guia, nasa hustong gulang.
The STAR/ File

CAVITE, Philippines -- Tumimbuwang ang isang suspek matapos tangkaing takasan ang mga pulis na umaresto sa kanya sa kasong rape sa Dasmariñas City, sa lalawigang ito, ka­makalawa.

Ang napatay na suspek ay si Justine De Guia, nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat, humingi umano ng tulong ang biktimang si Natalie Rose Yuching matapos siyang pagbantaang papatayin ng suspek dahil sa isinampa niyang kaso ng panggagahasa laban dito.

Agad naman na rumes­ponde ang mga pulis at dinala ang suspek sa PCP-Burol 10 pero habang nandoon ay nagawang bumunot ng suspek ng kaniyang kalibre .22 na itinago lang pala nito sa kanyang brief at pinaputukan ang mga pulis bago tumakbo patakas habang nagpapaputok.

Dito ay nagkaroon ng habulan hanggang sa masukol ang suspek at mapatay ng mga pulis.

vuukle comment

JUSTINE DE GUIA

PCP-BUROL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with