^

Probinsiya

Municipal treasurer, sugatan sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang municipal treasurer ng Ampatuan, Maguindanao at mister nito matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa national highway na sakop ng Brgy. Bagan, Guindulu-ngan Maguindanao, hapon nitong Miyerkules.

Sa report ng Guindulungan PNP, nakilala ang municipal treasurer na si Roshel Kuit at ang kanyang mister na si Jeric.

Sakay ang dalawa ng itim na sports utility vehicle (SUV) nang pagbabarilin sa Cotabato-Isulan National Highway.

Sa inisyal na report ng pulisya, pabalik na sana ng Ampatuan ang mga biktima mula sa Datu Odin Sinsuat nang maganap ang ambush, pasado ala-1:00 ng hapon.

Kaagad namang isinugod sa Maguindanao Provincial Hospital ang dalawa at kalaunan ay inilipat din ang mag-asawa sa isang ospital sa Tacurong City.

Patuloy namang ina­alam ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa krimen.

vuukle comment

AMPATUAN

DATU ODIN SINSUAT

ROSHEL KUIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with