3 drug trafficker timbog, P34 milyong shabu samsam
Sinusuri ng ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang bahagi ng 5 kilong shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon kasunod ng pagkakahuli sa tatlong hinihinalang drug trafficker (nakaupo) sa isinagawang entrapment operation sa Bongao, Tawi-Tawi kahapon.
Kuha ni John Felix M. Unson
3 drug trafficker timbog, P34 milyong shabu samsam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

TAWI- TAWI, Philippines — Umiskor ang pinagsa­nib na elemento ng Armed Forces of the Philippines -Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Agency (AFP-PNP-PDEA) matapos na masakote ang tatlong  pinaghihinalaang drug traffickers kasunod ng pagkakasamsam sa P34 milyong halaga ng shabu sa isang operasyon sa Tawi-Tawi nitong Martes ng umaga.

Sinabi ni Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), nagsagawa ng ­operasyon ang pinagsanib na elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9, PDEA-Tawi-Tawi, Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Zamboanga, Tawi-Tawi Provincial Police Office at Bo­ngao Police laban sa mga drug traffickers na nasa watchlist ng mga awtoridad.

Arestado sa operasyon ang mga target na drug traffickers na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin  at Adzfar Asalin sa Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi  bandang alas -8:30 ng umaga.

“Said operation also resulted in the seizure of more or less 5 kilograms of shabu with an estimated market value of Php34, 000,000.00,” pahayag ni Brig. Gen. Camilo Balutan, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong pag­labag sa Sections 5 at 11 ng Article II  ng Republic Act 9165. 

“Congratulations to our marine troopers and our partner agencies for this very remarkable accomplishment,” ayon naman kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Western Mindanao Command.

ELMER JAMADIN GEN. CAMILO BALUTAN HABERSON JAAFAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with