Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Gregorio Encabo Jr., 53-anyos, ng Bayawan City, driver ng Honda XRM motorcycle at backrider nitong si Nenito Rebotazo, 61, ng Sta. Catalina at Jayson Gaitera Ajer, 22-anyos ng Siaton na driver naman ng Yamaha Mio motorcycle.
The STAR/ File
2 motor inararo ng SUV: 3 patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

NEGROS ORIENTAL, Philippines — Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi makaraang araruhin ng isang rumaragasang SUV ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Napacao, Siation, Negros Oriental nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Gregorio Encabo Jr., 53-anyos,  ng Bayawan City, driver ng Honda XRM motorcycle at backrider nitong si Nenito Rebotazo, 61, ng Sta. Catalina at Jayson Gaitera Ajer, 22-anyos ng Siaton na driver naman ng Yamaha Mio motorcycle.

 Si Ajer ay nasawi ilang oras matapos ang insidente habang sina Encabo at Rebotazo ay kapwa naman idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 Director Brig. Gen. Val de Leon, dakong alas-8:30 ng gabi, kasalukuyang bumabagtas sa KM 39 national highway, Brgy. Napacao, Siaton ang dalawang motorsiklo nang salpukin ng kasalubong na SUV na pag-aari ng munisipyo ng Siaton at minamaneho ni Anthony Egera, 45-anyos, ng Brgy. Inalad, Siaton ng lalawigang ito.

 Kasalukuyang patungo sa hilagang direksyon ang SUV nang makabanggaan nito ang dalawang motorsiklo na patungo naman sa katimugang bahagi habang tinatangka ni Egera na mag-overtake sa isang bus.

 Boluntaryo namang sumuko sa pulisya si Egera na nagtamo lamang ng bahagyang gasgas sa katawan.

GREGORIO ENCABO JR POLICE REGIONAL OFFICE SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with