Halos hindi na makilala nang matagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Hermania Bigtas Echano.
Bahay sumabog, lola natusta
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines —  Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang matandang babae matapos ma-trap sa nasusunog nitong bahay kasunod ng malalakas na pagsabog sa Sitio Bariis, Brgy. Poblacion, bayan ng Rapu-Rapu kamakalawa ng madaling araw.

Halos hindi na makilala nang matagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Hermania Bigtas Echano.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw, nagulantang ang magkakapitbahay nang marinig ang malala­kas na pagsabog. Nang kanilang tingnan ay nakitang nilalamon na ng apoy ang bahay ng biktima. Nagtulung-tulong ang mga residente na apulahin ang apoy at iligtas ang biktima pero bigo sila hanggang sa kasamang matupok ang biktima.

Sinisiyasat pa ang sanhi ng pagsabog na hinihinalang dahilan ng sunog

HERMANIA BIGTAS ECHANO RAPU-RAPU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with