^

Probinsiya

Hepe binaril ng kinastigong rookie cop

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hepe binaril ng kinastigong rookie cop
Kinilala ni Caraga Police director P/Brig Gen. Joselito Esquivel Jr. ang biktima na si P/Lt. Col. Rex Lomente, nasa hustong gulang, force commander ng Agusan del Sur 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) na nakabase sa Bunawan Brook ng bayang ito na isinugod sa Bunawan District Hospital.
The STAR/ File

Agusan Del Sur, Philippines --  Nasa kritikal na kondis­yon ang isang colonel na nagsisillbing force commander ng elite force ng pulisya matapos na barilin ng kinastigo nitong rookie cop sa loob mismo ng kanilang himpilan sa Bunawan, Agusan del Sur noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Caraga Police director P/Brig Gen. Joselito Esquivel Jr. ang biktima na si P/Lt. Col. Rex Lomente, nasa hustong gulang, force commander ng Agusan del Sur 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) na nakabase sa Bunawan Brook ng bayang ito na isinugod sa Bunawan District Hospital. Siya ay nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanyang ulo at dahilan sa maselang kalagayan ay inilipat sa Davao Medical Center para malapatan ng lunas.

Ayon kay Esquivel, pi­naghahanap na ang suspek na si Patrolman Jhon Paul Gerida, tauhan ni Lomente sa Agusan del Sur 2nd PMFC.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:25 ng gabi nang ipatawag ni Lomen­te sa loob ng kanyang tanggapan ang nasabing parak at sinermunan sa nagawang pagkakamali sa pagtupad ng tungkulin. Minasa­ma naman ni Gerida ang pana­nabon ng superior hanggang sa bigla na lamang nitong bunutin ang kanyang cal. 45 pistol at pinaputukan sa ulo ang kanyang opisyal na dugu­ang napasalampak sa opisina nito. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril patungo sa ‘di pa malamang destinasyon. 

vuukle comment

JOSELITO ESQUIVEL JR

PATROLMAN JHON PAUL GERIDA

REX LOMENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with