76-anyos lolo nalunod sa alak
Sa report ng pulisya, natagpuan ang lolong itinago sa pangalang Miguel dakong alas-5:30 ng umaga.
The STAR/ File
76-anyos lolo nalunod sa alak
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Hinihina-lang nalunod ang isang 76-anyos na lolo, hindi sa baha kundi sa sob­rang kalasingan mata­pos na matagpuang nakahilatang patay sa kalsada sa Dingras, Ilocos Norte kamakalawa.

Sa report ng pulisya, natagpuan ang lolong itinago sa pangalang Miguel dakong alas-5:30 ng umaga.

Nakita rin ang basyong bote ng kuwatro-kantos sa tabi ng bangkay ng matanda na sinasabing hawak-hawak nito habang pasuray-suray na naglala­kad sa kalye nang gabing huli siyang makitang buhay ng mga residente.

Gayunman, isasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng lolo upang matukoy ang sanhi ng kanyang kamatayan.

NALUNOD PULISYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with