Patay agad dahil sa malalim na saksak sa leeg ang bikti­mang si Rolly Susano Alita, ng Sitio Buri, nasabing ba­rangay.
The STAR/File
Amok tinarakan sa leeg ng tanod, todas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos saksakin sa leeg ng isang barangay tanod na umawat makaraang magwala ang una at manghataw ng tubong-bakal sa kanyang kaanak sa Brgy. Camuning, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa   ng madaling araw.

Patay agad dahil sa malalim na saksak sa leeg ang bikti­mang si Rolly Susano Alita, ng Sitio Buri, nasabing ba­rangay.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw habang bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang tanod na si Rovany Lopez Orobio, 38, at pinsan ng napatay na si Rodrigo Alita nang lapitan ng biktima na armado ng bakal na tubo at patalim. Sa hindi malamang dahilan ay biglang hinataw ni Rolly ng tubo sa ilong ang pinsang si Rodrigo na walang malay na bumagsak.

Agad sinaway ng tanod si Rolly pero pati siya ay hinataw sa ulo dahilan para agawin niya ang kutsilyo mula sa biktima at itinarak sa leeg ng huli na kanyang agarang ikinamatay.

ROLLY SUSANO ALITA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with