Amerikano nalunod sa resort
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

PALAWAN, Philippines — Isang 59-anyos na US citizen ang nalunod matapos umano na makipag-inu­man kamakalawa sa isang resort sa Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na Amerikano na si Stephen Duane Dewitt, ng 38 Manalo St., Puerto Princesa City.

Lumalabas na dakong alas-2 ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente sa Beach Resort sa Sitio Pagkakaisa, Brgy. Napsan ng nasabing lungsod.

Gayunman, naireport lamang umano ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi ng isang Felmel Atienza sa pulisya.

Bago naganap ang insidente, nakipag-inu­man muna ang biktima sa mga kaibigan at matapos ay naligo na sa dagat hanggang sa bigong makabalik sa kanyang mga kasama.

Dahil dito, hinanap uma­no ng mga kaibigan si Dewitt at nadiskubre na nalunod na ito.

FELMEL ATIENZA STEPHEN DUANE DEWITT US CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with