BJMP official patay sa sunog
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

RIZAL , Philippines — Patay ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang makulong sa nasusunog niyang tahanan sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Rizal Provincial Hospital System Annex II si Jail Supt. Greg Sibug, 47-anyos, nakatalaga sa National Headquarters, at residente ng Block 65  Lot 8, Robinsons Homes East, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-5:00 ng hapon habang tulog ang biktima sa kanyang bahay nang sumiklab ang apoy kaya hindi na nakalabas.

Mabilis na rumesponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog at nadis­kub­reng na-trapped sa loob ang bik­tima kaya isinagawa ang rescue operation.

Nang mailabas ng kanyang bahay ang opisyal ay agad siyang isinugod sa ospital pero idineklarang patay.

Inaalam pa ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

BJMP BUREAU OF FIRE PROTECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with