Nakilala ang bata na si Jusly Jane Jaspe, apat na taong gulang, na nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Ibabang Palale, Tayabas City, Quezon. Halos hindi na makilala ang biktima dahil sa grabeng pagkakasunog ng katawan.
Miguel de Guzman
Nene at lola natusta sa sunog
Cristina Timbang, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Sa magkahiwalay na insidente

MANILA, Philippines – Isang batang babae at isang lola ang namatay sa magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Quezon at Cavite kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang bata na si Jusly Jane Jaspe, apat na taong gulang, na nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Ibabang Palale, Tayabas City, Quezon. Halos hindi na makilala ang biktima dahil sa grabeng pagkakasunog ng katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang nasugatan nitong  pinsan na si Jerome Salazar, 13 taong gulang, na isinugod naman sa Quezon Medical Center.

 Sa ulat ng Quezon Police, dakong alas-11:00 ng gabi nang masunog ang bahay ni Jay Ar Jaspe, 40 taong gulang, magsasaka sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, natutulog ang bata sa loob ng silid nito nang lamunin ng apoy ang kanilang tahanan.

 Nabigo namang mailigtas ang bata dahilan nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Samantala, sunog na su­nog na at halos hindi na makilala nang matagpuan ang tustadong katawan ng isang 78 anyos na lola sa loob ng banyo ng nasunog na bahay kahapon ng madaling araw sa Brgy 24 Caridad, Cavite City.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Apolonia Valenzuela, residente ng #706 Romualdo St., Brgy 24, Caridad.

Sa ulat ng pulisya, alas  2:30  ng madaling araw ng magsimula ang sunog sa bahay ng biktima. Tumagal nang mahigit isang oras ang sunog na ikinatupok ng buong kabahayan ng biktima at nang maapula ito ay natagpuan sa loob ng banyo ng bahay ang sunog na sunog na biktima.

Hanggang sa kasaluku­yan ay inaalam pa ng BFP City Fire Marshall ng nasabing lunsod ang pinagmulan ng sunog at tinitingnan kung sa electrical fault wiring.

 

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with