Kawani ng DPWH timbog sa droga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na high value target (HTV) ng mga otoridad matapos masamsaman ng droga sa kanyang bahay sa Brgy. Linasin, Bangued, Abra kamakalawa.
Sa report na ipinalabas ni Abra Police Director Alfredo Dangani, 14 na sachet na shabu na may timbang na 1.5 gramo ang natagpuan sa paghahalughog ng otoridad sa bahay ni Elpidio Acosta, 56, Administrative Aide ng DPWH- Abra matapos magpalabas ng search warrant si Quezon City RTC Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya.
Bukod sa mga nasamsam na sari-saring drug paraphernalias sa pag-iingat ni Acosta ay nagpositibo rin ito sa isinagawang drug testing sa kanya.
- Latest