Lolo na treasure hunter, nalibing nang buhay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 63-anyos na lolong treasure hunter ang nalibing nang buhay matapos bumigay ang hinu­hukay nilang basang lupa sa paghahanap ng umano’y gold bars na bahagi ng Yamashita treasure sa Brgy. Centro sa bayan ng Dinapigue, Isabela noong Huwebes.

Kinilala ng Dinapigue Police ang nasawi na si Be­nedicto Paulino, tubong Bo­ngabon, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, mag-isa la­­mang sa loob ng limang metrong hukay ang matanda nang bumigay dakong tang-hali ang gawing itaas na butas dahil sa mga sunud-sunod na pag-ulan.

Nabatid na sa sikretong panig ng kagubatan malapit sa baybay dagat isinagawa ng grupo ng biktima ang paghaha­nap ng ginto na pinamunuan ni Edgar Salvador na tubong Tacloban, Leyte at sinasabing pinamanahan ng kanyang lolong gerilya ng treasure map.

Sumuko naman sa mga otoridad si Salvador na natakot kuyugin ng mga kaanak ng matanda.

Nahukay naman ng mga tumulong na mamamayan ang bangkay ng biktima at ibiniyahe sa isang punerarya sa Dilasag, Aurora.

TREASURE HUNTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with