Mister itinumba habang lumalaklak
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 29-anyos na mister matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na gunman habang nakikipaglaklakan sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay Zone 2, San Mariano, Isabela noong Miyerkules.

Sa ulat ng pulisya, bigla na lamang tumambad ang killer sa harap ni Marcelino Marimla, saka ito niratrat sa dibdib at tumakas dakong alas-6:15 ng gabi.

Naiwan namang tulala ang kainuman ni Marimla na si Danny Pauig na natalsikan pa ng dugo.

Sinikap na isugod ng mga sumaklolo si Marimla sa San Maria­no Community Hospital kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman sa matagal ng alitan, love triangle, o drug trade ang motibo sa natu­rang pamamaslang.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with