^
Trader itinumba sa tindahan
Patay agad sa insidente ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek.
STAR/File

Trader itinumba sa tindahan

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Kasunod ng pagtatalo sa dating kinakasama, binaril sa ulo ng hindi pa kilalang salarin ang isang negosyante sa loob mismo ng puwesto nitong tindahan sa palengke ng Brgy. Daang Amaya 1, bayan ngTanza, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Alivia, 59-an-yos, residente ng nasabing lugar. 

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi, kasalukuyang nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima at nag-aayos na upang magsara nang biglang dumating ang armadong suspek at walang sabi-sabing tinutukan ng baril sa ulo ang biktima saka binaril.

Patay agad sa insidente ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek.

Bago ang insidente, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng matinding pagtatalo sa pagitan ng biktima at da-ting live-in partner nitong si Chuchi Montero.

Pinag-awayan umano ng dalawa ang tungkol sa mga ari-arian nila kung paano ito hahatiin. Nabatid na bandang umaga bago mapatay ang biktima ay pinatawag pa ang dalawa sa barangay hinggil sa kanilang pagtatalo subalit pareho silang hindi sumipot.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at nangangalap na rin sila ng CCTV footage sa lugar kung saan pinatay ang biktima.

ALFREDO ALIVIA BINARIL PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with