2 pa todas sa motor crash
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines - Nasawi ang dalawang mister sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Ramon, Isabela at Sanchez Mira, Cagayan noong Martes.

Sa report ng pulisya, hindi napansin ni Leo Alluad, 35, ang nakaparadang kuliglig hand tractor sa gilid ng highway habang nag-overtake sa gawing kanan ng isa pang sasakyan sa Barangay Raniag nang mangyari ang pagsalpok dakong alas-8:30 ng gabi.

Sinikap itakbo ng mga sumaklolo si Alluad sa isang pagamutan sa Santiago City subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Pinag-aaralan ng awtori­dad ang pananagutan ng may-ari ng kuliglig na si Claudio De Vera, 51, sa ka­ma­tayan ni Alluad.

Sa Sanchez Mira, sinalpok ng Raider 150 (CC45411) motorcycle ni Jose Jesus Chu, 18, ang Mitsubishi Adventure (NFQ840) ni Jimmy Olivas na noon ay kumabig pa-kaliwa sa highway ng Barangay Centro 2 dakong ala-1:25 ng hapon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Asanias Polycli-nic Hospital si Chu habang isinailalim na si Olivas sa kustodya ng pulisya. (

LEO ALLUAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with