Transpo sa Albay naparalisa sa tigil-pasada
Ayon kay Ramon Rescovilla, deputy secre­tary general ng Condor-Piston, maliban sa Albay ay umabot naman sa 75 porsyento ang tigil-pa-sada sa Camarines Sur at kahit hindi nakapag­lunsad ng pagkilos ang kanilang mga kasamahan sa Sorsogon, Catan­duanes, Masbate at Camarines Norte dahil sa harrassment at militarisasyon ay maitutu-ring na tagumpay pa rin ang kanilang pagkilos sa dalawang probinsya.
The STAR/Edd Gumban

Transpo sa Albay naparalisa sa tigil-pasada

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Daan-daang pasahero ang na-stranded sa mga kalsada matapos na umabot sa halos 97 porsyento ang napa­ralisa sa transportas­yon  sa Albay sa unang araw na inilunsad na dalawang araw na tigil-pasada sa buong Bicol ng grupong Condor-Piston (Concerned Dri-vers and Operators for Reform-Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas) makaraang hindi bumiyahe ang halos lahat ng mga pampasaherong jeepney dito kahapon.

Ayon kay Ramon Rescovilla, deputy secre­tary general ng Condor-Piston, maliban sa Albay ay umabot naman sa 75 porsyento ang tigil-pa-sada sa Camarines Sur at kahit hindi nakapag­lunsad ng pagkilos ang kanilang mga kasamahan sa Sorsogon, Catan­duanes, Masbate at Camarines Norte dahil sa harrassment at militarisasyon ay maitutu-ring na tagumpay pa rin ang kanilang pagkilos sa dalawang probinsya.

Karamihan ng mga bayan at lungsod sa Albay ay nagdeklara ng dalawang araw na suspension ng klase sa lahat ng antas habang marami ang naperwis­yong papasok sana sa kanilang mga trabaho dahil sa kawalan ng masasakyang jeep.

Sinabi ni Rescovilla, magpapatuloy ngayong araw ang kanilang transport strike para iparating ang kanilang hinaing at pagkontra sa hakbang ng gobyerno na i-phase out ang mga bumibiyaheng jeep sa bansa.

Isinusulong ng mga tsuper na bigyan na lamang sila ng pagkaka- taong ayusin at i-recondition ang kanilang mga lumang jeep.

TIGIL PASADA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with