40 dinampot sa paggamit ng ‘Marcos Loyalist’
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahigit 40 katao ang nagsiksikan sa presinto matapos damputin sa umano’y pa­ngongolekta ng pera sa mga residente gamit ang samahan ng “Marcos Loyalist” sa Brgy. Centro Northwest, Solana, Cagayan noong linggo.

Sa report kay Caga­yan Police Director Co­lonel Ariel Quilang, dinakma ng awtoridad sina Rolando Bancud, 36, ng Brgy. Bayo, Iguig at Norbert Cannu, 41, ng Flora, Apayao na kapwa nagpapakilalang Regional Commander ng Centennial Force Foundation Incorporated (CFFI) sa Cagayan Valley at nasa 42 pa nilang unipormadong miyembro na umano’y nagbahay-bahay upang komolekta ng tig-P50 sa mga residenteng nagnanais mapasama sa “master’s list” ng “Maharlika Movement” na umano’y samahan ng mga Mar-cos Loyalist.

Ayon sa imbestigas­yon, kapag umabot sa dalawang milyong katao ang na-recruit nilang miyembro ng samahan ay otomatikong makakatanggap sila ng 18 euros o P1,000 na ipapasok sa kanilang bank account.

Bagama’t walang ka­u­kulang papeles gaya ng SEC Registration at Mayor’s permit ang grupo, dinala ang mga hinuli sa himpilan ng pu­lisya upang isailalim pa sa pagsisiyasat.

Sinabi ni Captain Jhun-Jhun Balisi, bagama’t hindi nagkasya sa selda ang 44 katao kabilang ang mga babae ay ipinagpasya niyang ilagay sila sa covered rooftop ng kanilang himpilan habang inihahanda ang isasampang kasong estafa laban sa kanila.

Matatandaan na no­­­ong Setyembre, nagan­tso rin ng isa pang grupo ang daan-daang mamamayan sa Cagayan na kinolektahan kabilang ang mga katutubong Aeta na namuti ang mata sa kahihintay ng mga susundo sa kanila patungong Marikina City upang makibahagi sa umano’y “Marcos wealth” na hindi naman sila sinipot. Anim na katao ang kinasuhan ng awtoridad sa insidente. 

Kaugnay nito, iti­nanggi ng pamilya Marcos na may kinalaman sila sa mga nasabing raket sa Cagayan na gumagamit sa kanilang pangalan.

MARCOS LOYALIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with