Lolo dedo sa duwelo dahil sa pulutan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 60-anyos na lolo ang patay sa kainu­man kasunod ng kanilang duwelo ng kutsilyo sa kasagsagan ng kanilang laklakan sa Brgy. Simpatuyo, Sta. Teresita, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Renato Espiritu habang agaw-buhay sa ospital ang naka-duwelong kapitbahay na si Marlon Alcantara, 47. Agawan sa pulutan ang tinitingnang dahilan ng pagta­talo ng dalawa nang unang inundayan ng saksak ng lolo si Alcantara sa sikmura sa harap ng katagay nilang si Rodrigo Padre dakong alas 8:50 ng gabi.

Bagama’t sugatan ay nagawa ni Alcantara na damputin ang kutsilyong pinanghihiwa nila ng pulutan saka pinu­ruhan ang matanda sa dibdib. Kapwa isi­nugod ang dalawa sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital kung saan idineklarang patay si Espiritu habang inoobserbahan si Alcantara. 

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with