Sakto naman na duma­an sa lugar ang isang unit ng Toyota Hilux na may plate number NEB 4056 nang sumabog ang bomba.
STAR/File
Motorsiklo tinaniman ng bomba
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isang improvised explosive device (IED) na itinanim sa isang motorsiklo sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao ang sumabog kahapon ng umaga.

Sa ulat mula kay P/Maj Alexander Butuan, hepe ng Shariff Aguak Police, bandang alas-10:50 ng umaga nang sumabog ang bomba sa loob ng motorsiklo na ipinarada sa naturang lugar.

Sakto naman na duma­an sa lugar ang isang unit ng Toyota Hilux na may plate number NEB 4056 nang sumabog ang bomba.

Masuwerte namang nakaligtas ang mga sakay ng pick up na sina Jeanor Lintang (driver), Arsad Lin-tang, Jumer Mamasapano, Norudin A. Sansaluna, at isang Johamirin Sansaluna.

Inaalam pa sa ngayon ng pulisya kung totoo ang nakalap na impormasyon na sakay diumano ng Hilux pick up ang target ng pagpapasabog.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at post blast investigation ng Explosive Ordinance Division Team ng pulisya at military sa lugar. 

BOMBA IED IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with