Magkarelasyon inambus, babae utas
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 37 anyos na si Amilyn Castañeda ang namatay habang sugatan ang karelasyon niyang si Armando Santos, 43, nang tambangan at pagbabarilin umano sila ng kaibigan nilang si George Binuyat sa Barangay Marcos, Roxas, Isabela kamakalawa ng gabi.
Mabilis na nakatakas ang suspek lulan ng motorsiklo.
Nabatid sa imbestigasyon na katatapos lamang mag-inuman ang mga biktima at suspek sa hindi natukoy na lugar subalit nagtapos ang masaya nilang tagayan na nagkaroon sila ng matinding pagtatalo. Isa ang love triangle sa mga sinusundang anggulo ng mga imbestigador sa krimen.
- Latest