Tatlong bebot tigok sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Utas ang tatlong babaeng magkaangkas sa motorsiklo matapos tumbukin ng kasalubong na pick-up ng isang sundalo sa  Brgy. Payac, Jones, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Police Major Jerry Valdez, hepe ng Jones Police Station, ang mga nasawi na sina Angel Bulusan at mga angkas niyang sina Evagelyn Salvador at Ann Claire Marie Camarao na pawang mga taga-Santiago City. 
Ayon sa report,  papasok ng kabayanan ang mga biktima nang mang-agaw ng linya mula sa kabila ang drayber ng Isuzu Dmax na si Private Sonny Boy Matias ng 5th Army Division na noon ay pauwi sa bayan ng Cabagan dakong alas-5:00 ng hapon.

Sa lakas ng salpok ay tumilapon ang mga biktima sa ere at nagpagulong-gulong pa sa kalsada.

Ang tatlo ay kapwa patay na nang maipasok ng mga sumaklolo sa isang ospital.

Dinakip ng mga nagres­pondeng pulis ang sundalo at ipinasailalim sa pagsusuri ng mga doktor kung ito ba ay lango sa alak.

MOTORSIKLO PATAY ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with