^

Probinsiya

Police Colonel patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Police Colonel patay sa ambush
Kinilala ang nasa-wing biktima na si Col. Joie Yape, Jr., 49 taong gulang, na idineklarang dead-on-arrival sa Perpetal Succor Hospital.
File

MANILA, Philippines — Isang police colonel na nakatalaga sa Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang itinumba ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang kasama ang misis na papalabas ng hotel sa Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang nasa-wing biktima na si Col. Joie Yape, Jr., 49 taong gulang, na idineklarang dead-on-arrival sa Perpetal Succor Hospital.

Si Yape ay nakata-laga sa punong him-pilan ng PNP-IAS sa Camp Crame na ang tanggapan ay pangunahing nag-iimbestiga at nagrerekomenda ng dismissal sa serbisyo ng mga pulis na nasasangkot sa katiwalian.

Sa ulat, dakong alas-5:35 ng hapon nang maganap ang pamamaslang.

Magkasamang nag­lalakad ang biktima at misis nito na kalalabas pa lamang sa Trillium Residences sa Molave St., Brgy. Kaputhaw, sa naturang lungsod nang huminto sa tapat ng mag-asawa ang isang kulay itim na scooter na motorsiklo sakay ang mga salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ang target na si Yape.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis namang tumakas patungo sa direksyon ng Escario St. ang mga salarin.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with