^

Probinsiya

Mister binoga sa harap ng bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister binoga sa harap ng bahay
Dalawang tama ng bala sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Lorenzo Solis, nasa hustong gulang at residente ng Central 1, Brgy. Ina­rawan ng naturang lungsod.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na suspek na sakay ng motorsiklo habang papalabas sa kanilang tahanan sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes ng madaling araw.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Lorenzo Solis, nasa hustong gulang at residente ng Central 1, Brgy. Ina­rawan ng naturang lungsod.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulis­ya ang pagkakakilan­lan sa nag-iisang gunman na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklong walang plaka matapos ang pamamaril.

Sa report ng Antipolo City Police, naitala ang krimen sa harapan mismo ng bahay ng biktima sa nasabing lugar dakong alas-7:05 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang papalabas ang biktima ng kanilang tahanan nang biglang sumulpot ang salarin na walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo.

Ang biktima ay duguang bumulagta na binawian ng buhay noon din sa insidente kung saan nagresponde ang pulisya sa crime scene pero hindi na inabutan ang salarin.

Patuloy naman ang masusing imbestigas­yon ng pulisya sa motibo ng krimen upang maaresto at mapanagot sa batas ang salarin.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with