^

Probinsiya

Kelot pisak sa dump truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Kelot pisak sa dump truck
a report ng Reina Mercedes Police Station, nawalan ng preno ang trak na minamaneho ni Erwin Ramirez sa kurbadang bahagi ng kalsada at nakasalpukan ang kasalubong na traysi­kel na minama-neho ni Rowel Daliri na umano’y umagaw ng kanyang linya dakong alas-4:00 ng hapon.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ka-lunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 49-anyos na mister na napisak ang ulo matapos magulungan ng dump truck na tumumbok sa kanilang traysikel sa highway ng Barangay Napaccu Grande, Reina Mercedes kahapon.

Sa report ng Reina Mercedes Police Station, nawalan ng preno ang trak na minamaneho ni Erwin Ramirez sa kurbadang bahagi ng kalsada at nakasalpukan ang kasalubong na traysi­kel na minama-neho ni Rowel Daliri na umano’y umagaw ng kanyang linya dakong alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa report tu­mi­lapon si Jordan Lang­don na angkas ni Daliri sa likuran saka nagulungan ng trak na may kargang buhangin.

Isinugod ng mga sumaklolo si Daliri sa ospital habang naiwan na lamang sa gitna ng kalsada ang nasawing si Langdon na hinintay ang sasakyan ng punerarya na kukuha sa kanya.

Boluntaryo namang sumuko si Ramirez sa pulisya matapos ang insidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with