^

Probinsiya

Sadistang tatay binoga ng 8-anyos na anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sadistang tatay binoga ng 8-anyos na anak
Ang nasawi ay kinilalang si Jessy Obas, 39-anyos. Dead-on-the-spot dahil sa tinamong tatlong tama ng bala mula sa Cal .38 revolver sa kanyang dibdib.
STAR/File

MANILA, Philippines – Tinapos ng isang 8-anyos na totoy ang pagmamalupit sa kanya ng kanyang lasenggo at umbagerong ama matapos niya itong pagbabarilin at mapatay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Jose, Sipalay City, Negros Occidental nitong Miyerkules ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessy Obas, 39-anyos.  Dead-on-the-spot dahil sa tinamong tatlong tama ng bala mula sa Cal .38 revolver sa kanyang dibdib.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya sa Sitio Manluy-   a, sa nasabing barangay.

Bago ang pamamaril ng bata na itinago sa panga­lang  “Jonathan” ay umuwing lasing ang kanyang ama kung saan agad na sinipa sa bibig ang bata at isinalya pa sa dingding habang pi-nagmumura.

Dito ay agad na kinuha ng bata ang nakatagong baril ng ama at tatlong beses itong pinaputukan sa dibdib na nasaksihan pa ng dalawa pa nitong menor-de-edad na kapatid. 

Lumilitaw pa sa imbes­tigasyon, na sa tuwing ma­lalasing ang nasabing sadistang ama ay sinasaktan nito ang mga paslit na anak.

Nabatid na mismong ang napatay na ama ang nagturo kay Jonathan kung paano gumamit ng baril.

Ang ina ng mga bata ay nagtratrabaho sa Maynila kung saan naiiwan ang mga ito sa pangangalaga ng kanilang umbagero at lasenggerong ama.

Isinailalim na si Jonathan sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod ng Sipalay.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with