^

Probinsiya

Drug ops: 2 dedo, 4 arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug ops: 2 dedo, 4 arestado
Sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang Marine Battalion Landing Team 6, Philippine Drug En­forcement Agency Tawi-Tawi at Sapa-Sapa Municipal Police Station sa karagatan ng Brgy. Baldatal islam, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi kamakalawa ng madaling araw.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines – Todas ang dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ habang apat naman ang naaresto sa magkakahiwalay ng drug-bust operation sa Tawi-Tawi at Maguindanao nitong Miyerkules.

Sa ulat, nagsagawa ng   buy bust operation ang Marine Battalion Landing Team (MBLT) 6, Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) Tawi-Tawi at Sapa-Sapa Municipal Police Station sa karagatan ng Brgy. Baldatal islam, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi kamakalawa ng madaling araw.

Gayunman, nanlaban uma­no ang drug pusher na si Odin Masihul, residente ng Brgy. Dungon, Panglima Su­­ga­la ng lalawigan kaya ito napatay ng mga otoridad.

Nabuwag naman ng mga operatiba ang isa umanong drug den sa lugar na nag­resulta sa pagkakaaresto sa apat na drug personalities na sina Abdulnajar Asanol Isarail, Mujahid Misuari Jalas, Rhadzkhomar Pawari Lakibul at Jack Binlo Magsaysay.

Sa anti-drug operation naman sa Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa ng hapon, ay napatay din ang suspek na si alyas “Dats” ng tropa ng 9th Infantry Battalion katuwang ang PDEA Bangsamoro.

Nabatid na papasok pa lamang ang mga operatiba sa lugar ay sinalubong na ang mga ito ng pagpapaulan ng bala ni Dats na nagresulta sa encounter na malubhang ikinasugat nito na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklara ng dead-on-arrival sa pagamutan.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with