^

Probinsiya

Kelot grinipuhan ang partner, saka nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Kelot grinipuhan ang partner, saka nagbigti
Sa report na nakarating kay Lt. Colonel Amador Quio­cho, hepe ng Laoag City Police Station, natagpuan ng kanyang kasamahan ang bangkay ni Raul Napoleon Alonzo, na nakabitin at lawit pa ang dila sa stockroom ng pinapasukang piggery dakong alas-7:00 ng umaga.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tinapos ng isang 53-anyos na farm caretaker ang kanyang buhay sa pagbibigti matapos gripuhan ang kanyang live-in-partner bunsod ng matinding selos sa Laoag City, Ilocos Norte, kahapon.

Sa report na nakarating kay Lt. Colonel Amador Quio­cho, hepe ng Laoag City Police Station, natagpuan ng kanyang kasamahan ang bangkay ni Raul Napoleon Alonzo, na nakabitin at lawit pa ang dila sa stockroom ng pinapasukang piggery dakong alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na naunang pi­nagsasaksak ni Alonzo ang kinakasamang si Anabel Salazar, 44, sa kanilang bahay sa Barangay Apaya matapos ang matinding away dakong alas-3:00 ng madaling araw saka ito tumakas at tinapos ang buhay sa babuyan.

Isinugod naman ng mga sumaklolo si Salazar sa ospital kung saan ito nagpapa-galing.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with