^

Probinsiya

Magsasaka tigok sa hagupit ni Ramon

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kumitil ng isang buhay ang nagdaang bag­yong Ramon matapos ta­nga­­yin ng malakas na agos at malunod ang isang magsasaka sa Barangay Daga, Conner, Apayao noong Miyerkules.

Sinabi ni Albert Bacuyag ng Conner Disaster Risk Reduction Management Office na narekober kahapon ang bangkay ni Jasmar Bandung, 40-anyos kasunod ng isinagawang search and rescue operation.

Ang pagtangay ng agos kay Bandung ay nasaksihan ng kanyang bayaw na si Nick Antonio, na masuwerteg nakatawid sa Umnay creek dakong alas-3:00 ng hapon.

Ayon kay Bacuyag, patungo si Bandung sa kanyang imbakan ng inaning mais upang takpan ang mga ito sa buhos ng ulan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Bacuyag na bagamat walang nakataas na babala si typhoon Sarah sa Apayao ay pinag-iingat pa rin nila ang mga mamamayan sa pabugso-bugsong pag-ulan at insidente ng pagguho ng lupa na nagbabanta anumang oras.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with