Mistulang baboy na itinali at binusalan pa ang bibig ng mga ‘di nakilalang salarin ang biktimang si Lorena Causapin, nasa hustong gulang, residente ng Paradahan St., Brgy. Castanos Cerca, nasabing bayan.
The STAR/File
Ginang ginapos, inutas ng ‘akyat-bahay’
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

CAVITE , Philippines  – Patay na habang nakagapos ang mga kamay at paa nang matagpuan ang isang ginang sa loob ng bahay nito matapos na pasukin at pagnakawan ng hinihinalang mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” sa Brgy. Castanos Cerca, Gen. Emilio Aguinaldo, lalawigang ito kahapon ng umaga.

Mistulang baboy na itinali at binusalan pa ang bibig ng mga ‘di nakilalang salarin ang biktimang si Lorena Causapin, nasa hustong gulang, residente ng Paradahan St., Brgy. Castanos Cerca, nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng pamangkin ng biktima na si Mae Obias ang wala nang bu­hay na tiya na nakahan­du­say sa ibabaw ng kama nito.

Malaki ang hinala ng pulisya na pinatay sa sakal ang biktima. 

Pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil bukod sa magulo ang loob ng bahay at kuwarto ng biktima ay nawawala pa ang pera nito na mahigit P100,000.

May senyales din na puwersahang pinasok ng mga suspek ang bahay ng nag-iisang biktima.

LORENA CAUSAPIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with