Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Ronel Walo dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang dibdib at sikmura.
File
Mister kinatay ng ex ng live-in partner
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines - Patay ang isang mister nang pagsasaksakin ng dating boyfriend ng kanyang live-in partner sa Antipolo City kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Ronel Walo dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang dibdib at sikmura.

Tumakas naman ang suspek na si Rommel Pesante, at umano’y dating lover ng kinakasama ng biktima.

Sa ulat, alas-8:10 ng umaga habang hinihintay ng biktima ang kinakasama na ’di pinangalanan sa gilid ng kalsada sa Sitio Epheta, Brgy. San Isidro nang bigla na lang siyang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak sa dibdib at tiyan.

ROMMEL PESANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with