Truck vs. trike: 4 patay
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Apat na katao ang nasawi matapos salpukin ng isang forward truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga nasawi na lulan ng tricycle na sina Wilson Guillermo, 56, dri­ver; Jerry Yu, 61;  Juanita Iglesia, 69, at Jalhen Acosta, 19, estudyante.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na nakabanggang driver ng forward truck na si Marvin de Guzman, 35, ng San Pedro, Mallig, Isabela. Ayon kay P/Maj. Richard Babaran, hepe ng Cabatuan Police, nag-overtake ang forward truck (CAC 7818) at sinalpok ang kasalubong na tricycle pagsapit sa national highway ng Brgy. Del Pilar dakong alas-3:00 ng hapon saka tumakas ang driver nito.

Dead-on-the-spot ang driver ng tricycle na si Guillermo habang dead-on-arrival ang kanyang tatlong pasahero sa Cabatuan Family Clinic and Hospital dahil sa tinamong traumantic head injuries.

JERRY YU JUANITA IGLESIA WILSON GUILLERMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with