Kinilala ang mga biktima na sina Rose Mary Datoon Escolano at apong si Sanday Raiven Escolano; kapwa residente ng Purok San Jose, Brgy. San Pablo.
File
Mag-lola pinatay ng adik na kapamilya
Rhoderick Beñez (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang isang 63-anyos na lola at 9-anyos nitong apo sa isang damuhan malapit sa kanilang bahay na hinihinalang kagagawan ng anak ng una na isang adik sa droga sa Purok San Jose, Brgy. San Pablo, Tacurong City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rose Mary Datoon Escolano at apong si Sanday Raiven Escolano; kapwa residente ng Purok San Jose, Brgy. San Pablo.

Ayon kay Mary Ann Santos Tomas, nagtaka siya nang walang madatnang tao sa loob ng bahay ng kanyang ina at may mga patak ng dugo kaya agad siyang nagtungo sa Tacurong Police upang i-report ang nangyari. Agad namang sinuyod ng iba nitong kapatid ang buong paligid at doon na nila nadiskubre ang mga bangkay ng mag-lola na naliligo sa sariling dugo at halos ‘di na makilala dakong alas-7:50 ng umaga.

Lumalabas na suspek sa karumal-dumal na pagpatay ay ang mismong anak ng matanda na si Ernisto Datoon Escolano Jr. alyas “Junior”, 30-anyos, walang trabaho at residente rin ng naturang brgy. Lulong umano ang suspek sa ilegal na droga at ito ang nakikitang dahilan kung bakit nito nagawang patayin ang sariling ina at pamangkin.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Tacurong Police laban sa suspek. 

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with