Sa ulat ni P/Lt. Col. Aquino Olivar, hepe ng Meycauayan City police, kinilala ang limang naarestong suspek na sina Renz Justin Pineda, 19-anyos; Jan Fulgencio, 18; Marvin Tulgencio, 20; Joven Osias, 19, at isang 16-anyos na itinago sa pangalang Boy.
File
Dalaga na-gang rape, 5 suspek timbog
Omar Padilla (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Ares­tado ang limang kabataang lalaki kabilang ang isang 16-anyos matapos na halinhinang gahasain ang isang 19-anyos na dalaga kamakalawa ng gabi, dito sa siyudad.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Aquino Olivar, hepe ng Meycauayan City police, kinilala ang limang naarestong suspek na sina Renz Justin Pineda, 19-anyos; Jan Fulgencio, 18; Marvin Tulgencio, 20; Joven Osias, 19, at isang 16-anyos na itinago sa pangalang Boy.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, niyaya umano ng limang suspek na makipag-inuman ang biktimang si Glenda, ‘di tunay na pangalan at nang malasing ang biktima, sa halip na ihatid ito sa kanilang bahay ay dinala ng grupo sa isang abandonadong warehouse sa ‘di pa tukoy na barangay at doon pinilahan na pinagsamantalahan dakong alas-11:48 ng gabi.

Nagawang maka-takas ng biktima habang natutulog ang mga suspek at agad na nagsumbong sa mga pulis kung kaya agad na naaresto ang mga suspek.

Kilala umano ng biktima ang mga suspek kung kaya nagtiwala nang sumama sa kanila at makipaglaklakan.

ARESTADO RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with