^

Probinsiya

Umawat sa away, tinadtad ng 3 kalaklakan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LOPEZ, Quezon, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang obrero ang pag-awat nito sa mga kainuman makaraang pagtulungang tagain ng isang magkapatid at isa pa sa Barangay Concepcion ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Halos maputol ang leeg at kamay ng biktimang si Raymundo Malaca, 30-anyos, samantalang tinutugis na ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Jonas at Glenn Santa Cruz at isang Dave Nunez. 

Ayon sa pulisya, huling nakita ang mga suspek at biktima na nag-iinuman dakong alas-7:10 ng gabi at nang malasing na ay naungkat ang tungkol sa nililigawan nilang babae. 

Napigilan ng biktima ang dapat sana’y pagsusuntukan ng mga kalaklakan hanggang sa mag-uwian na patungo sa kani-kanilang mga bahay. Gayunman, dakong alas-7:20 ng gabi ay muling bumalik ang mga suspek at pinagtataga ang nasorpresang biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with