^

Probinsiya

Birthday boy, 1 pa patay sa lunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bata kabilang ang isang nagdiriwang ng kaarawan ang nasawi habang isa pa ang nasagip matapos silang malunod sa magkahiwalay na insidente sa Pangasinan kamakalawa.

Sa ulat ng Panga-sinan Police, alas-3 ng hapon nang aksidenteng malunod sa swimming pool ang batang si Alvin Bautista, 7-anyos, Grade 1 pupil sa Treshland Resort, Brgy. Tabag, Mangal­dan ng lalawigan.

 Ang biktima ay nagdiriwang ng ika-pitong taong kaarawan kasama ang kanyang pamilya kaya nagtungo sa resort upang mag-swimming. Gayunman, hindi namalayan ng pamilya ng biktima na napagawi ang bata sa malalim na bahagi ng pool sanhi upang malunod sa 3-4 talampakang lalim ng tubig.

Ang biktima ay iniahon ng lifeguard at dinala sa Rural Health Unit 1 sa Mangaldan bago inilipat sa Medical Centrum Hospital sa Dagupan City pero idineklara na siyang dead-on-arrival.

Samantala, alas-4:25 ng hapon nang aksidenteng madulas at mahulog sa malalim na bahagi ng fishpond ang magpinsang sina Richard Ferrer, 9 anyos, Grade 1 at Kenneth Ca­ronan sa Brgy. Talospatang, Malasiqui.

Sa imbestigasyon, nagtungo sa fishpond ang dalawa para huga-san ang kanilang paa at tsinelas matapos na manguha ng kuhol sa palayan nang madulas si Ferrer sa 10 talampa-kang lalim ng fishpond. Tinangka namang sagipin ni Caronan ang batang pinsan pero nalunod din siya. Nakita naman ng isang concerned citizen ang insidente kaya sinagip nito ang dalawa.

 Sa kabila nito, si Ferrer ay idineklarang dead-on-arrival sa Blessed Family Doctors General Hospital sa San Carlos City habang si Caronan ay nasa maayos nang kondisyon sa Pangasinan Provincial Hospital.

vuukle comment

LUNOD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with