^

Probinsiya

4 pulis tiklo sa ‘hulidap’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
4 pulis tiklo sa �hulidap�
Kinumpirma ni P/Col. Ariel Quilang, acting provincial police director, ang apat na pulis na ‘di pa pinangalanan ay sasampahan ng kasong carnapping, robbery, pagtatanim ng ebidensya at kasong administratibo dahil sa grave misconduct.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Apat na pulis ang nasa balag ng alanganin matapos masangkot sa “hulidap” sa bayan ng Gattaran, Cagayan, ayon sa ulat kamakalawa.

Kinumpirma ni P/Col. Ariel Quilang, acting provincial police director, ang apat na pulis na ‘di pa pinangalanan ay sasampahan ng kasong carnapping, robbery, pagtatanim ng ebidensya at kasong administratibo dahil sa grave misconduct.

Ayon naman kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, police regional director ng Cagayan Valley, ang apat na pulis na kinabibilangan ng 2 sarhento mula sa Gattaran Police, 1 corporal at 1 patrolman na kapwa nakatalaga sa 203rd Regional Mobile Force Battalion 2 ay posibleng ma-demote, masuspinde o matanggal sa serbisyo kung mapatunayang guilty sa kinasasangkutang mga kaso.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang apat na pulis laban sa isang opisyal ng barangay sa Gattaran kamakailan subalit hindi umano nila idineklara ang kanilang mga nakuhang ebidensya tulad ng mga kagamitan at pera mula sa naturang target.

vuukle comment

HULIDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with