Sa inisyal na ulat ng Minglanilla Police, humingi ng tulong sa kanilang himpilan ang biktima na itinago sa pangalang Jenny noong Sabado ng gabi kasama ang kanyang bayaw para isumbong ang ginawang panggagahasa sa kanya ng suspek.
STAR/File
17-anyos ni-rape ng 15-anyos na ka-‘eyeball’
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang ina­resto ng pulisya dahil sa panggagahasa umano sa 17-anyos na dalagita na nakilala niya sa social media matapos silang mag-“eyeball” noong Biyernes sa Cebu City.

Sa inisyal na ulat ng Minglanilla Police, humingi ng tulong sa kanilang himpilan ang biktima na itinago sa pangalang Jenny noong Sabado ng gabi kasama ang kanyang bayaw para isumbong ang ginawang panggagahasa sa kanya ng suspek.

Sa salaysay ni Jenny,  naging magkaibigan umano sila ng suspek dahil sa Facebook noong Nobyembre 13 hanggang sa magkapalagayang-loob bunsod sa patuloy na pagtsa-chat sa FB Mes-senger hanggang sa magkasundo na magkita nitong Nobyembre 15.

Sinabi ni Jenny, dinala siya sa bahay ng suspek sa Barangay Poblacion, Ward II, Minglanilla at dito siya pinagsamantalan ng huli saka siya pinauwi na lamang.

Nagsumbong sa mga kamag-anak ang biktima na agad na humingi ng tulong sa pulisya saka itinuro ang lugar kung saan siya ginahasa.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang binatilyong suspek sa kanilang bahay at ngayo’y nakakulong.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with