Ayon kay Beltran, su­miklab ang pagtatalo nina Moises at Tabalansa nang ungkatin ng una ang personal at masalimuot na relasyong mag-asawa ng huli kaya nauwi ang ka­nilang inuman sa pagpapaalam ng mag-utol dakong alas-9:50 ng gabi.
STAR/File
Amok: Mag-utol kinatay ng pinsan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —  Patay ang mag­kapatid na lalaki matapos na ataduhin ng itak ng kanilang nag-amok na pinsan kasunod ng mainit na pagtatalo sa kanilang masaya sanang laklakan sa Brgy. Capagaran, Allacapan, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ni P/Corporal Ariel Beltran ang mga napatay na sina Roland Cabiles, 36-anyos at kapatid na si Moises, 42, habang ang suspek ay si Ricky Tabalansa, 40, na pawang magkakapitbahay.

Ayon kay Beltran, su­miklab ang pagtatalo nina Moises at Tabalansa nang ungkatin ng una ang personal at masalimuot na relasyong mag-asawa ng huli kaya nauwi ang ka­nilang inuman sa pagpapaalam ng mag-utol dakong alas-9:50 ng gabi.

Sa kabila nito, galit na kinuha ni Tabalansa sa loob ng bahay ang bagong hasa niyang itak saka pinatay ang ilaw bago pinagtataga si Moises saka hinabol si Roland.

Ayon kay Beltran, pi­nagtataga rin ni Tabalan­sa si Roland subalit nagawang agawin nito ang itak at ginantihan ng taga ang una bago nawalan ng ulirat at tuluyang namatay.

Sa ngayon ay inoobser­bahan si Tabalansa sa Cagayan Valley Medical Center dito matapos ilipat mula sa Toran District Hospital sa Aparri.

MAGKAPATID PATAY PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with