Trader natagpuang naaagnas sa balon
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Naaagnas na ang isang 52-anyos na binatang negosyante nang matagpuan habang nakalutang sa malalim na balon sa Brgy. Banocboc, Vinzons, Camarines Norte kahapon ng umaga. Nahirapan pa ang mga residente na iahon sa balon ang nanganga­moy nang bangkay ng biktima na si Jonathan De Panes Umerez ng Purok-2, nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, ilang re­sidente at kamag-anak na naghaha­nap sa ilang araw nang nawawalang biktima ang nakadiskubre na nasa loob ito ng balon na may lalim na 15-talampakan, nasa mahigit dalawang kilometro ang layo sa kanilang bahay. Pinaniniwalaang naglala­kad pauwi ang biktima pero dahil sa malakas na bagsak ng ulan ay hindi nito napansin ang balon kaya posibleng nadulas at nahulog.

TRADER NALUNOD TRADER PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with