#DisipliNAIA
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Isang pagkamapitagang kampanya na mapalakas ang mga positibong Filipino values at i-highlight ang mabuting asal at tamang pag-uugali sa kanilang mga araw-araw na buhay, lalo na sa airport, ‘‘#DisipliNAIA,’’  ay pagtulung-tulungan ng airport workforce, gobierno, media, stakeholder, at iba pang mga kasosyo upang maging bahagi ng pagbabago.

Kaya naman iniimbitahan para sa paglulunsad ng advocacy campaign sa Nobyembre 20, Miyerkules ng 9am sa Gate 16 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang lahat ay iniimbitahan ni MIAA general manager Ed Monreal na magpunta sa nasabing okasyon para magsama-sama at suportahan ang ‘‘#DisipliNAIA!’’

Naku patay

MUKHANG may madadawit na dalawang cabinet members ni Boss Digong sa isyu ng korapsyon dahil hinihimay na ng Pre-sidential Anti-Crime Commission ang ulat tungkol dito matapos ang isang silent investigation going on.

Naku ha!

Patay kang bata ka!

Totoo kaya ito?

Antayin ang imbestigasyong ginagawa ng PACC tungkol sa sinasabing dalawang cabinet members.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na kinalkal ang tungkol sa diumano’y lakad ng dalawang cabinet members at ibinigay ang report kay Boss Digong, tiyak ang validation ng huli dito.

Sabi nga, huwag basta mag-panic? Hehehe!

Ayon sa mga nagbulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinukumpirma raw ng intel networking investigation na sangkot ang dalawang sinasabing cabinet members sa katiwalian?

Totoo naman kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins muna pinangalan ng mga kumakalkal ang dalawang opisyal habang masusi nilang hinihimay ang reklamo sa mga ito.

Naku ha!

Bakit pa pinatatagal?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Boss Digong na mismo ang magsasalita sa madlang people kung sino ang dalawang sinasabing korap officials?

Bukod dito, marami pang mga undersecretary at assistant secretary ang inaamoy-amoy rin ang mga pinaggagawa ng mga ito dahil napabalitang masiadong maraming biahe sila going abroad.

Naku ha!

Patay ulit?

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

Si Mr. Wong at ang POGO tax payments

MAY mga lapses din pala ang BIR porke dehins nila nakokolektahan ng taxes ang ilang Philippine Offshore Gaming Operations o POGO na may gambling operations sa Philippines my Philippines.

Bakit kaya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga employees sa Philippines my Philippines na mga Chinese nationals ang working here na dehins nagbabayad ng buwis kahit na ang kanilang companies ay nakatirik sa China.

Ano ba ito, Inday?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pag-aralan ito nang maayos para magbayad sila ng buwis sa Philippines my Philippines.

Baka naman may lobby fund dito at ilan lamang ang nakikinabang samantalang ang madlang people ay nakanganga at naghihintay ng grasya para sa ating ekonomiya?

Dapat mabusisi ito!

Hindi puro si Mr. Wong lang ang nakikinabang sa limpak-limpak na salaping kinikita ng POGO sa Philippines my Philippines. Abangan.

#DISIPLINAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with