Kinilala ang nasa­wing ginang na si Mari­vic Pa­naman, 42 anyos, nagtamo ng malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang patay din ang kanyang mister na si Rosendo Panaman Sr., 47-anyos, magsasaka, makaraang manlaban habang pinasusuko ng mga nagrespondeng pulis.
File
Misis kinatay ni mister sa selos Suspek utas din sa parak
Cesar Ramirez, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil umano sa ma­tinding selos, pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang sariling asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. San Gabriel II, Bayambang, Panga­sinan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing ginang na si Mari­vic Pa­naman, 42 anyos, nagtamo ng malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang patay din ang kanyang mister na si Rosendo Panaman Sr., 47-anyos, magsasaka, makaraang manlaban habang pinasusuko ng mga nagrespondeng pulis.

 Sa pahayag ng 15-anyos na binatilyong anak ng mag-asawa sa pulisya, alas-3:20 ng hapon habang nakasakay siya sa duyan sa labas ng kanilang bahay nang biglang tawagin ng ama ang kanyang ina sa loob ng kanilang tahanan at matapos ito ay biglang nag-lock ng pinto.

 Ang ginang ay kasalukuyang nagpapakain umano ng aso sa loob ng bahay nang undayan ng sunud-sunod na taga ng mister.

 Ilang saglit pa ayon sa binatilyo,  narinig nila ang malalakas na kalabugan kung saan pagsilip niya sa dingding ng kanilang tahanan ay dito na niya nakita ang duguang ina na humihingi ng saklolo habang pinagtataga ng kanyang ama gamit ang isang bagong hasang jungle bolo.

 Ayon sa binatilyo, maging siya ay tinangka ring tagain ng ama pero nagawa niyang makatakbo at makahingi ng tulong sa barangay.

Agad nagresponde ang mga pulis at tinangka nilang pasukuin ang suspek pero maging sila ay sinugod ng taga nito  bunsod upang barilin ng mga operatiba na kanyang ikinasawi.   

Isinugod ang mag-asawa sa Bayambang District Hospital pero kapwa idineklara ng mga manggagamot na dead-on-arrival. Sinasabing nag-ugat ang krimen sa umano’y walang basehang pagseselos ng mister sa asawa.

KRIMEN PATAY SELOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with