Trader, 2 Grade 9 stude tiklo sa droga
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Arestado ang isang negosyante ng “ukay-ukay” at dalawang magkaklaseng binatilyo kasunod ng inilatag na magkasunod na buy-bust operation ng pulisya dito sa lalawigan kamakalawa. 

Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda ang nadakip na trader na si Pol Carlo Ruiz, 29, matapos tanggapin ang buy-bust money mula sa isang undercover agent sa harap ng Primark Town Center sa Barangay Centro 6, Tuguegarao City.

Ayon kay Cablarda, nagbenta si Ruiz ng isang sachet ng shabu sa poseur buyer.

Sinisiyasat ng mga imbestigador ang umano’y pag-aangkat ng droga ni Ruiz sa pamamagitan ng mga ipinapasok nitong bulto ng ukay-ukay sa lungsod mula Metro Manila.

Sa bayan ng Claveria, tiklo ang dalawang Grade 9 students nang bentahan ng dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang poseur buyer sa hindi na tinukoy nilang paaralan dakong tanghali.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with