^

15 kilong marijuana, shabu nadiskubre sa apartment

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Mahigit 15 kilong dahon ng marijuana at ilang gramo ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Tanza Police matapos itong ma­diskubre sa loob ng isang apartment unit kung saan nangungupahan ang isang negosyante na naaresto noong Huwebes sa buy-bust operation ng Quezon City Police.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Tanza Police mula sa caretaker ng Bocalan Apartment sa F&E De Castro Subd., Brgy. Mulawin ng bayang ito hinggil sa may dalawa umanong lalaki na nagtangkang pumasok sa nasabing apartment na ni­rerentahan ng nadakip na suspek na si Illanie Reyes, 49-anyos, na nakakulong ngayon sa QCPD matapos maaresto sa isang buy-bust operation noong Nobyembre 14.

 Pagdating ng mga pulis kasama ang mga brgy. officials sa apartment, wala na ang dalawang lalaki at nang buksan ang unit ay tumambad sa kanila ang nasa 25 bundles ng marijuana at 9 na plastic sachet ng shabu na naka-ziplocked.

Ayon sa caretaker, ­Pebrero 2019 nang magsimulang mag-rent sa kanya si Reyes. Nagpakilala umano siyang ne­gosyante at madalas din umanong may mga bisita sa kanyang apartment unit.  At nito ngang Huwebes ay nabalitaan nila na nahuli ang suspek sa isang drug operation sa Quezon City.

DRUG BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with