Kinilala ni San Carlos City Police Station chief P/Lt. Col. Garie Noel Pascua ang mga namatay na sina Jaymark Zuniega, 10-anyos; Grade V; Jaypee John Lacaba, 12; Grade 7; Sheryl Palania, 30-an- yos at Reymart Peralta, 11, Grade 5; pawang residente sa lugar.
File
4 magkakaanak nilamon ng ilog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na magkaka­anak kabilang ang tatlong batang estud-yante ang nasawi habang isa pang paslit ang nawawala makaraan silang tangayin ng agos at lamunin ng ilog habang nagswi-swimming sa Brgy. Salinap, San Carlos City, Pangasinan, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni San Carlos City Police Station chief  P/Lt. Col. Garie Noel Pascua ang mga namatay na sina Jaymark Zuniega, 10-anyos; Grade V; Jaypee John Lacaba, 12; Grade 7; Sheryl Palania, 30-an- yos at Reymart Peralta, 11, Grade 5; pawang residente sa lugar.

Pinaghahanap naman ang nawawalang si Dionisio Lacada, 11-anyos na kalaro rin ng mga biktima.

 Sa report, alas-3:40 ng hapon noong Miyerkules nang maganap ang insidente pero naiulat lamang sa pulis­ya ang insidente kinabukasan ng tanghali.

Dahil sa holiday ng araw na iyon at wa­lang klase, nagka­yayaan umano ang grupo ng mga bata kasama si Palania na maligo sa ilog ng Brgy. Salinap. Gayunman, tinangay ng malala­kas na agos ang mga biktima matapos na mapagawi sa malalim na bahagi ng ilog. Isa namang  residente ang nakakita sa mga nalulunod na bata kaya agad siyang hu­mingi ng tulong.

Sa isinagawang search and rescue ope-ration, magkakasunod  na narekober ang bangkay ng apat na bata pero nabigong makita ang katawan ng isa pa.

“We are still searching for the body and we have already asked the Philippine Coast Guard to hasten the retrieval operations,”pahayag ni Pascua.

LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with