^

Probinsiya

2 NPA todas sa engkuwentro

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 NPA todas sa engkuwentro
Nakatanggap umano ng tawag ang tropa ni Chavez sa mga residen­te na may mga armadong rebelde na nangi­ngikil sa kanila ng pera bandang alas-2:30 ng hapon kaya’t agad nilang pinuntahan ang lugar sanhi ng bakbakan.
AFP/Nickee Butlangan

RIZAL, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga sundalo ng Phil­ippine Army (PA) sa isang engkuwentro sa Purok Buldozer, Brgy. Estrella ng bayang ito no-ong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang dala-wang napatay na sina Mi­chael Pagkaliwanagan alyas “Allan Ladesma” at isang alyas “Miguel”.

 Sugatan naman ang apat pang rebelde na sina Lisel Labo, alyas “Nido”, isang amasona; Carlos Aguilar alyas “Badong”; Danilo Sagun, at isa pa umanong amasona na si Redsa Balatan alyas “Sining”. Arestado pa ang isa pa na si Ernesto Quimzon, 42, ng Brgy. Vega, Bongabon, Nueva Ecija.

Ayon sa Rizal Police, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng 84th Infantry Batallion sa pamumuno ni 1st Lt. Justin Paul Chavez at mga miyembro umano ng NPA na noo’y nangi­ngikil ng revolutionary tax sa mga residente.  

Nakatanggap umano ng tawag ang tropa ni Chavez sa mga residen­te na may mga armadong rebelde na nangi­ngikil sa kanila ng pera bandang alas-2:30 ng hapon kaya’t agad nilang pinuntahan ang lugar sanhi ng bakbakan.

Nakarekober sa encounter site ang dalawang M16 Colt baby armalite; tatlong cal. 45 Armscor; 15 long magazine ng M16 rifle na may mga bala; isang granada; 14 cellphone sim card; USB; isang Samsung tablet; dalawang handheld radio; at sari-saring subersibong dokumento.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

PHIL­IPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with